Ano ang magagandang naidudulot ng kape sa kalusugan?

“Good ideas start with brainstorming. Great ideas start with coffee.”

Para kanino ka bumabangon? Para sa kaniya o para sa kape? Pero ano ba ang kape at ano ang ambag nito sa ating pang araw-araw nating pamumuhay?

Ang kape ay mula sa inihaw at giniling na mga buto ng tropikal na evergreen na halaman ng kape. Ang kape ay isa sa tatlong pinakasikat na inumin sa mundo (kasama ang tubig at tsaa), at ito ay isa sa mga pinakakumikitang internasyonal na mga kalakal.

Ang mga tao ay umiinom ng kape upang mapawi ang mental at pisikal na pagkapagod at para mapataas ang mental alertness.

Para sa maraming tao, ang kape ang unang inumin sa umaga at maaasahan para sa enerhiya upang matulungan silang makayanan ang araw. Para sa ilan, nakaaaliw ang amoy at lasa ng kape. Kung kulang ka sa tulog, ang pagkakaroon ng isang tasa ng iyong paboritong brew ay makatutulong sa iyong pakiramdam na mas relaxed at handang maging produktibo. Kung nakatira ka sa isang malamig na klima, having a cup of hot coffee can warm our spirit. Para naman sa mainit na klima, mayroon kang opsyon na inumin ang iyong paboritong kape na may yelo.

Mga benepisyo sa kalusugan ng kape

Marami sa mga sustansya sa butil ng kape ay napupunta sa freshly brewed o sa natimpla nang kape. Puno ito ng mga antioxidant at bitamina gaya ng riboflavin, magnesium, at potassium. Makatutulong ang kape na bawasan ang depression, para sa malusog na puso, at bawasan ang panganib na magkaroon ng type 2 diabetes, Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, liver disease, at liver cancer.

Dahil ang kape ay naglalaman ng caffeine, ang sikat na inuming ito ay makatutulong sa mga tao na hindi makaramdam ng pagod, pataasin ang mga antas ng enerhiya. Matunaw ang taba sa pamamagitan ng pagsisimula ng metabolismo ng katawan. Kasama pa rito ay upang mapabuti ang produktibidad at paggana ng utak—kabilang ang memorya, mood, oras ng reaksyon, at pangkalahatang pag-andar ng isip. Bagama’t maraming nakapagpapalusog na benepisyo ng kape, ang pagkonsumo nito sa katamtaman ay mahalaga pa rin upang maiwasan ang mga side effect, pati na rin ang paglilimita sa dami ng hindi gaanong masustansyang sangkap tulad ng cream at asukal na idinaragdag sa bawat tasa.

Ano ang caffeine?

Ang caffeine ay isang mapait na sangkap na natural na nasa higit sa 60 halaman kabilang ang: mga butil ng kape, dahon ng tsaa at kola nuts na ginagamit sa lasa ng soft drink, colas at cacao pods, na ginagamit sa paggawa ng mga produktong tsokolate. Mayroon ding synthetic (gawa ng tao) na caffeine, na idinaragdag sa ilang mga gamot, pagkain, at inumin. Halimbawa, ang ilang mga pain reliever, mga gamot sa sipon, at mga over-the-counter na gamot para sa pagiging alerto ay naglalaman ng synthetic na caffeine. Ganoon din ang mga inuming pang-enerhiya at “nagpapalakas ng enerhiya” ng isang tao. Karamihan sa mga tao ay kumokonsumo ng caffeine mula sa mga inumin. Ang dami ng caffeine sa iba’t ibang inumin ay maaaring mag-iba nang malaki, ngunit ito ay karaniwang:

Isang 8-onsa na tasa ng kape: 95-200 mg

Isang 12-onsa na lata ng cola: 35-45 mg

Isang 8-onsa na inuming enerhiya: 70-100 mg

Isang 8-onsa na tasa ng tsaa: 14-60 mg

Ano ang mga epekto ng caffeine sa katawan?

Maraming epekto ang caffeine sa metabolismo ng katawan, gaya ng pinasisigla ang central nervous system na maaaring maging mas gising at magbibigay ng lakas ay isang diuretic. Ibig sabihin ay nakatutulong ito sa katawan na maalis ang labis na asin at tubig sa pamamagitan ng pag-ihi nang higit pa. Pinatataas rin nito ang paglabas ng acid sa iyong tiyan, kung minsan ay humahantong sa isang sira na tiyan o heartburn.

Gayundin, maaaring makagambala ang epekto ng kape sa pagsipsip ng calcium sa katawan dahil pinatataas nito ang presyon ng dugo sa loob ng isang oras ng pagkonsumo ng kape – na maaaring umabot sa pinakamataas na antas sa dugo. Maaaring patuloy na madama ang epekto sa loob ng apat hanggang anim na oras.

Ano ang mga side effect ng sobrang caffeine? Para sa karamihan, hindi nakapipinsala ang pagkonsumo ng hanggang 400mg ng caffeine sa isang araw. Kung kumonsumo ng masyadong maraming caffeine, maaari itong magdulot ng mga problema sa kalusugan, tulad ng:

* Pagkabalisa at panginginig

* Hindi pagkakatulog sakit ng ulo

* Pagkahilo

* Mabilis na tibok ng puso

* Dehydration o pagkatuyo

* Pagkabalisa

Kailan nagiging delikado ang pagkonsumo ng caffeine?

Ang nakamamatay na dami ng caffeine ay humigit-kumulang 180 mg/L, na natukoy sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo ng mga pasyenteng namatay dahil sa labis na dosis. Kapag kumonsumo ng ~100 mg ng caffeine, pinatataas nito ang mga antas ng caffeine sa dugo ng humigit-kumulang 5 mg/L, ibig sabihin, aabutin ng halos 40 tasa ng kape upang maging peligroso ito at nakamamatay.