Angelica Pantaliano, pambato sa Miss Tourism Int’l 2022

Maria Angelica Pantaliano (Kuha ng Mutya ng Pilipinas)

Si Maria Angelica Pantaliano ay hinirang ng Mutya ng Pilipinas Organization sa pamumuno ni Cory Quirino bilang official representative ng Pilipinas sa Miss Tourism International 2022 na idaraos sa Kuching, kapitolyo ng Sarawak, Malaysia mula Nobyembre 11 to 27, 2022. Ang finals ay gagawin sa Nobyembre 25, 2022 sa Pullman Kuching Hotel, Kuching, Sarawak.

Si Angelica na sumali sa Mutya ng Pilipinas noong 2019 ay mula sa Mandaue City, Cebu ay isang professional bank teller at nag-training nang maigi ng para sa pageant sa tulong at  ni Rodgil Flores, ang tanyag at respetadong beauty queen maker ng bansa at pinuno ng KF o Kagandahang Flores Beauty Camp. Si Angelica ay nakatakdang lumipad ngayong Huwebes, Nobyembre 10, 2022 para sa international competition.

Sinimulan noong 1994, ang Miss Tourism International ay inorganisa ni Ginoong Tan Sri Danny Ooi ng Malaysia at naging isa sa malawak na international pageant na may mahigit na 100 affiliates sa buong mundo. Inaasahang mahigit sa 50 magagandang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang maglalaban-laban sa taong ito na may temang “Promoting Tourism, Culture & Friendship.”

“I will do my utmost to bring home the crown, but more importantly, I look forward to meeting my ‘pageant sisters’ and building international friendships in order to promote global tourism for the benefit of all,” ang patapos na mensahe ni Angelica mula sa opisyal na Facebook page ng Mutya ng Pilipinas Organization.

Inaasahang muling makukuha ni Angelica ang korona tulad ng kababayan nating si Cyrille Payumo na nanalong Miss Tourism International 2019.

Bukod kay Cyrille, apat pang Pinay ang nauna nang nanalo bilang Miss Tourism International sa ilalim ng pageant na pinamamahalaan ni Mr. Ooi. Sila ay sina Ma. Esprenza Peachy Manzano (2000) ang namayapa ng si Rizzini Alexis Gomez (2012), Angeli Dionne Gomez (2013) at Jannie Loudette Alipo-on (2017).

Mula sa BiLiBB isang good luck, Angelica!

Cyrille Payumo (Miss Tourism International)
Jannie Loudette Alipo-on (Miss Tourism International)
Angeli Dionne Gomez, nasa gitna. (Miss Tourism International)
Rizzini Alexis Gomez, ika-apat mula sa kaliwa. (Miss Tourism International)
Ma. Corazon Peachy Manzano (Francis D. Calubauib Pageant Archive Collection)