Sa state ng romantic relationships, ang mga taong engaged sa infidelity o pagtataksil, na mas kilala sa pagiging mga “two-timer” ay kadalasang nagpapakita ng natatanging hanay ng mga katangian na maaaring makita sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at pakikipag-ugnayan.
Isa sa notable na galawan nila ay ang kawalan ng transparency. Ang mga two-timer ay madalas na gumagamit ng panlilinlang bilang isang paraan upang i-navigate ang kanilang dalawahang mga pangako, umaasa sa mga kasinungalingan at kalahating katotohanan upang mapanatili ang kanilang harapan.
Maaari itong magpakita sa iba’t ibang paraan, tulad ng paggawa ng mga detalyadong kwento upang ipaliwanag ang kanilang mga pagliban o pagiging sobrang lihim tungkol sa kanilang paggamit ng telepono at mga pakikipag-ugnayan sa social media. Ang kanilang kakayahang manipulahin ang katotohanan ay madalas nagmumula sa pagnanais na iwasan ang hidwaan at panatilihin ang kasalukuyang kalagayan sa parehong relasyon, na sa huli ay nagpapahina ng tiwala.
Bukod dito, madalas na nagpapakita ang mga two-timer ng mataas na antas ng pagiging makasarili, dahil ang kanilang mga aksyon ay pinapagana ng personal na kasiyahan sa halip na kapakanan ng kanilang mga kapareha. Sila lang ang gustong maging masaya – pero palihim pa.
Ang ganitong makasariling pag-uugali ay maaaring magdulot ng isang pattern ng kawalan ng emosyonal na kakayahan, kung saan nahihirapan silang bumuo ng tunay na koneksyon sa alinmang kapareha.
Dagdag pa rito, maaari silang magpakita ng saloobin na mahilig sa panganib, na nakakahanap ng kasiyahan sa secretive nature ng kanilang mga relasyon, na maaaring lumikha ng siklo ng pag-uugali na may kinalaman sa panganib. Ang ganitong mga tao ay hindi marunong makontento, mataas ang insecurities at walang respeto kahit sa sarili.
May pag-aaral na nagsasabi na maaaring maging two-timer ang isang tao kung madali siyang maimpluwensyahan o maaya – ng mga kaibigan o kakilala.
Common traits ng mga two-timer – lalaki man o babae:
– Sinungaling, kayang magsinungaling nang paulit-ulit, at naniniwala sa sariling kasinungalingan
– Bolero o bolera
– Posibleng mang-gaslight tulad ng kaya kang baliktarin na ikaw ang may ibang karelasyon
– Mapagkunwari o kayang mandamay ng iba para lamang lumabas na totoo sila
– Kayang magpaikot ng isip
– Narcissist o isang labis na makasariling tao na may labis na pakiramdam ng sariling kahalagahan, arogante, entitled, feeling na sobrang angat sa iba
– User
– Manipulator
– Nakukulangan ng pera
– Hindi marunong maawa
– Biglang naging conscious sa katawan – naging mas malinis at maalaga sa katawan, mabango, maporma
– Biglang may ibang lakad o hindi uuwi sa oras
– Kapag aalis o may lakad mahirap para sa kanya na ibigay ang detalye o malabo ang detalye kung bakit o kung para saan ang pag-alis. Ang mga detalyeng ito ay contact numbers ng tutuluyan o kung sino ang kasama
– Biglaang may ibang dalang damit sa pag-uwi o may nakitang kakaiba sa damit – tulad ng ibang pabango, mantsa kakaiba, at iba pa
– Biglaang hindi ka isasama sa event o lugar na dati ay isinasama ka
– Kapag tinawagan mo o tinawagan ka sa telepono ay (1) bababaan ka kung ikaw ang natawag (2) madalian ang usap (3) iba ang tono o pabulong (4) hindi ka sasagutin kung ikaw ang tatawag at sasabihin tulog siya o busy
– Kapag may biglang tawag sa phone ng partner ay lalayo ito para kausapin ang nasa linya. Puwede ring sadyang hindi sasagutin ang tawag para hindi mabuko
– Iba ang takbo ng oras sa kanila: delayed at/o sobrang aga. Halimbawa, hahabaan ang oras sa isang partner, kaya male-late naman siya sa isa. Puwede ring maaga siyang darating sa oras pero maaga ring tatapusin ang oras ng pagkikita – at iba pang halimbawang tulad nito
– Kapag kasama mo, puwedeng online siyang gamit ang gadget at kapag lalapit ka na ay isasara ito
– Tinatago ang gadgets at iba ang pangalan sa totoong may-ari ng phone numbers o social media account
– May unusual na pag-delete ng messages, call logs, photos, at iba pa
– Kapag may common friends kayo na hindi komportableng kasama kayo
– Biglaan ang galawan o gustong estilo sa pakikipag-sex
– May history ng panloloko. Mula sa statistical perspective, ang mga indibidwal na may kasaysayan ng pagtataksil ay madalas na itinuturing na mas malamang na gumawa ng katulad na kilos sa hinaharap

