
Ang teatro, bilang isang mahalagang anyo ng sining, ay may mabigat papel sa pagpapayaman ng cultural landscapes at pagpapalakas ng pakikilahok ng komunidad. Pero, humaharap ang theater industry sa hamong may limitasyon sa regular na pagtangkilik sa bawat dula – nakukulangan ng suporta at pagtaguyod.
Ang isyung ito ay tututukan ng “Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh Sh*t! It’s Live Sa Cheter!” na pagbibidahan ng premyadong aktres na si Eugene Domingo bilang programa ng Philippine Educational Theater Association (PETA).
Nasa sinehan noon, sa entablado na ngayon
Kilala “Ang Babae sa Septic Tank” bilang pelikula na nagsimula noong 2011. Isa itong Filipino comedy satire tungkol sa tatlong ambisyosong filmmakers para makalikha ng pelikulang kikilalanin, at napiling artista rito ay si Domingo – pelikulang napaka-common dahil nakatuon sa kahirapan.
Dahil pumihit na ang panahon lalo pa’t nasa “golden age” na ang Philippine theater, ibang focus na ang iikutan ni Eugene dahil “Ang Babae sa Septic Tank” ay isasaentablado na – play o dulang babatikos sa kapatol-patol na imahe ng ating teatro. May bilang pa ba ang teatro natin?
“Septic Tank has always been about satirizing institutions. This time, it is about the of Philippine theater – where it is and where it is going,” ayon sa playwright nitong si Chris Martinez.
May patikim ng play sa media, at masasabi naming sulit ang pagbabad ninyo sa teatro. Inaral ang dula at pagpili sa mga artista – walang “bagot moments” dahil sasang-ayon ka sa tinetema nito – hagalpak mo ang huhusga. Comedy eh!
“Film and theater speak different languages. What excites me is how something familiar can evolve and find new meaning in liveness. In theater, ‘live’ is not just a descriptor. It is a condition. It breathes, it trembles, it risks failure, and in doing so, it allows for discovery,” ayon naman kay director Maribel Legarda.
Kung bitin ka sa detalye, may dapat kang abangan. Tara sa PETA Theater Center sa New Manila sa Quezon City at nood na ng “Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh Sh*t! It’s Live Sa Cheter!”
Tuloy-tuloy ang play hanggang maabot ang 50 shows – mula June 19 hanggang August 16, 2026. Ang oras ng palabas ay 2:00 PM at 7:30 PM.
Ang ticket rates ay P1,800 (Balcony Side), P2,500 (Orchestra Side), P2,800 (Orchestra at Balcony Center), at P3,500 (VIP) – makukuha sa Ticketworld (bit.ly/SepticTank4Tickets) o sa showbuyers (http://bit.ly/SepticTank4Showbuyers).
LIST OF CAST
“As Themselves”
- Eugene Domingo
- Melvin Lee
- Andoy Ranay
- Meann Espinosa
- JC Santos
- Stella Cañete-Mendoza
- Joshua Lim So
- Marlon Rivera

Ensemble
- Ron Alfonso
- Kiki Baento
- Roi Calilong
- Jay Cortez
- Nyla Festejo
- James Lanante
- Carlon Matobato
- Eli Namoc
- Reggie Ondevilla
- Air Paz
- Ada Tayao
ARTISTIC STAFF
- Director: Maribel Legarda
- Playwright: Chris Martinez
- Assistant Director: Johnnie Moran
- Set and Costume Designer: Gino Gonzales
- Deputy Costume Designer: Martha Cruz
- Assistant Set Designer: Leslie Centeno
- Lighting Designer: Barbie Tan-Tiongco
- Sound and Music: Angel Dayao
- Lyricist: Michelle Ngu Nario
- Choreographer: Raflesia Bravo
- Video Design and Mapping: Bene Manaois
