All-new Toyota Lite Ace, partner sa pag-angat ng negosyo

Ang dalawang uri ng All-New Toyota Lite Ace na Pickup (kaliwa) at Panel Van.

Hindi maikakaila ang hambalos na ginawa sa atin sa kasagsagan ng pandemyang dala ng Covid-19. Masakit din na maraming negosyo ang naapektuhan nang husto.

Sa pagbubukas ng ekonomiya, pag-asa rin ang hatid ng nangungunang automotive at mobility company na Toyota Motor Philippines (TMP). Sa kanilang kilala at mas pinahusay na Toyota Lite Ace bilang Light Commercial Vehicle, daan ito upang makaangat muli sa pagnenegosyo.

Ang All-New Toyota Lite Ace ay pormal na inilunsad noong umaga ng Hulyo 15 sa New Farmers Plaza sa Araneta City, Cubao, Quezon City.

Naging host sa okasyong ito si Winnie Cordero. Sa labas ng Farmers Plaza unang ipinakilala ang All-New Toyota sa publiko ng host na si Winnie Cordero.

Bago mag-alas-9:00 ng umaga ay nasulyapan na ng publiko ang dalawang klase ng All-New Toyota Lite Ace – ang Panel Van at Pickup. Ang Panel Van ay nasa anyo ng Patient Transport Vehicle para sa isang health clinic habang ang Pickup ay para sa Coffee Caravan bilang negosyo.

Ang outdoor presentation ng All-New Toyota Lite Ace sa New Farmers Plaza sa Cuba, Quezon City.

“With the introduction of the All-New Lite Ace, we are responding to the long-time request of our customers for Toyota to introduce a light commercial vehicle,” ayon kay TMP President Atsuhiro Okamoto.

Nasa larawan sina, mula sa kaliwa, Senior Vice President and Overall Head of Marketing, New Mobility Business at Vehicle Logistics Department Jing Atienza, TMP President Atsuhiro Okamoto, Vice Chairman David Go at Senior Vice President for Marketing Masatoshi Toiya.

Ang pagpapakilalang ito ay higit pang binigyang kulay sa loob mismo ng shopping mall kung saan-saan pa puwedeng mapakinabangan ang All-New Toyota Lite Ace.

 

Ang dalawang uri ng All-New Toyota Lite Ace ay puwedeng magamit din sa pagtitinda ng mga gulay, bilang Barangay Patrol, Shuttle Service at iba.

Ang kanilang Pickup na may isang open bed para sa mabilis at flexible loading, habang ang Panel Van ay may sliding enclosure para sa mas marami pang secure cargo transport. Ang mga ito ay heavy-duty at may malawak na kapasidad, sakto para sa anomang heavy-load transportation na pangangailan. Maituturing talaga itong partner sa negosyo.

Angkop na angkop ito sa mga MSMEs (micro, small and medium enterprises). Katunayan, sa pamamagitan ng Toyota Financial Services Philippines, ang TMP ay nag-aalok ng All-New Lite Ace sa ilalim ng unique financing packages na pinapayagan ang customers na makabili nito sa pagbabayad ng lingguhan sa halagang P2,903.50 (Pickup).

Ang Pickup Lite Ace ay mabibili sa retail price na P570,000 habang ang Panel Van Lite Ace nasa retail price na P655,000.

Ipinagmamalaki ng TMP ang pagkakaroon ng kanilang 72-strong dealership network sa buong bansa para ihatid ang All-New Toyota Lite Ace sa mas maraming negosyo sa iba’t ibang industriya. Partikular dito sa mga rehiyon kung saan ang mahusay na transportasyon ay kritikal sa napapanahong paghahatid ng mga produkto at serbisyo.

Sa bagong teknolohiya, ang All-New Toyota Lite Ace ay powered ng 1.5L gasoline engine and 5-speed manual transmission. Mayroon din itong practical convenience features gaya ng electric power steering at air-conditioning system. Nagbibigay din ito ng safety para sa gumagamit sa pamamagitan ng SRS Airbags, Anti-lock Brake Syste

m at Vehicle Stability Control para sa Panel Van.

Nagpatuloy ang naturang paglulunsad ng All-New Toyota Lite Ace sa nasabing shopping mall hanggang Hulyo 17, 2022.

Sa Setyembre naman ay inaasahang ipakikilala ng TMP ang kanilang Aluminum Van.

Para sa iba pang detalye, magsadya sa toyota.com/asenso