Aleron muling nagningning sa “For Light, I Close My Eyes”

Aleron all male choral ensemble

Ang grupo ng Aleron na binubuo ng kalalakihan ay nanghaharana gamit ang two-act na “For Light, I Close My Eyes” na nakatakdang ipalabas sa Hulyo 30 sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater), at Agosto 5 sa Arete, Ateneo de Manila University, The Doreen Black Box.

Ang two-act na itatampok ng koro ay magpapakita at sisiyasatin ang pakikibaka at saya ng pag-ibig, kawalan, buhay, at kamatayan na nasa direksyon ni Floy Quintos. Kasama ang layunin ng Aleron na bigyang boses ang bawat pinagdaanan, itatanghal nila ang limang klasiko at modernong piyesa katulad ng Five Ways to Kill a Man (2008), The Bishop and the Pagan (1991), Excerpt from Ulricht (1894), Inganni dell’umanita (1705), The Singing Apes of Khao Yai (1991) at Ang Hamon ng Buhay (2023). Ang konsyertong ito ay magtatampok ng 11 na korong piyesa na mayroong saliw ng piano ni Clement Acevedo, D.M.A.

Nagmula ang Aleron sa Quezon City bilang isa sa mga proyektong may kinalaman sa kagustuhan, kasama ang mga kaibigan at mga naging kasama sa Ateneo de Manila High School Glee Club taong 2006. Magmula noon, ang grupo ay lumago at naging samahan ng mga musikero at propesyonal na mayroong iisang kahiligan at mula sa maraming larangan, umani ng mga matataas na parangal mula sa mga internasyonal na kompetisyon tulad ng First prize sa 1st Andrea O. Veneracion International Choral Festival sa Manila (2013), grand prize sa 10th Busan International Choral Festival sa Korea (2014), pangkalahatang kampeon sa ika-31 Takarazuka International Chamber Chorus Competition sa Japan (2015), first prize sa ika-10 Mainhausen International Choir Competition sa Germany (2017), at dalawang 1st prize sa ikalawang Limburger Mannerchor Festival sa Germany (2019). Nabansagan din ang Aleron ng Ani ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts.

Pinangungunahan ni Christopher Arceo, isang direktor ng koro at guro ng boses ang Aleron. Isa sa tumatak na kaniyang ginawa sa larangan ng koro ay ang pagkanta para sa San Francisco Choral Artist sa ilalim ni Magen Salomon at ang Grammy-award winning San Francisco Symphony Chorus sa ilalim ni Ragnar Bohlin. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nagtanghal ang Aleron ng mga programang konsyertong naghahangad na maugnay sa malikhaing pagbabago. Noong 2017, nabigyan nang pagkakataon ang Aleron na ipresenta ang kanilang programa bilang itinatampok ng Filipino Choir sa World Choral Music sa Barcelona Spain. Noong 2019, itinampok siya bilang isang kauna-unahang non-European na naging guest conductor sa Svenska Kyrkans Gosskorsforening, kasama ang Aleron sa taunang pagsasama ng mga kalalakihang koro sa Sweden.

Iprinisenta kasama ang Cultural Center of the Philippine, ang mga ticket ay maaaring mabili sa CCP Box Office at Ticketworld sa halagang P1000.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph). Sundan ang social media accounts ng CCP sa Facebook, Twitter, Instagram, and Tiktok para sa iba pang updates.