Aira Palacio, hinirang na Miss Oriental Mindoro-Tourism ‘22

Tatlong taon mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, muling nagbabalik ang Miss Oriental Mindoro na pinakamalaki at prestihiyosong beauty pageant sa isla ng Mindoro. Dito ay hinirang si Aira Palacio bilang Miss Oriental Mindoro-Tourism 2022.

Si Aira na representative ng Municipality of Mansalay ay ginawaran ng naturang pagkilala na ikalawang pinakamataas na titulo sa pageant.

Aira Palacio, Miss Oriental Mindoro-Tourism 2022 (Jan Ludwig Balboa I The Creative Bureau)

Ang finals ay ginanap noong November 11, 2022 sa Bulwagang Panlalawigan Capitol Complex, Calapan City, Oriental Mindoro bilang bahagi ng pagdiriwang ng 72nd Founding Anniversary ng lalawigan.

Samantala, si Mariah Karyll Latorza ng Calapan City ang hinirang na Miss Oriental Mindoro 2022. Siya ay 22 yrs. old at nagtapos ng BS Development Communication-Cum Laude sa Batangas State University.

Mariah Karyll, Miss Oriental Mindoro 2022 (Jan Ludwig Balboa I The Creative Bureau)

Sa isang maikling interview, lubos na natutuwa si Aira sa karangalang kanyang maiuuwi sa bayan ng Mansalay. Lubos niyang pinasasalamatan ang dating Mayor Joel Maliwanag at ang kasalukuyang Mayor na si Ferdinand Totoy Jerie Maliwanag sa tiwala at suportang ibinigay sa kanya. Gayundin, pinasasalamatan din ni Aira ang kanyang mga kababayan sa Mansalay, Oriental Mindoro at sinabing patuloy niyang ipo-promote at ipagmamalaki ang kanilang simpleng bayan dahil sa angkin nitong ganda. Dagdag pa niya na may malaking potensyal na ma-develop bilang tourism destination ang kanilang lugar dahil sa natural beauty ng kalikasan at mayamang kultura.

Ang Mansalay ay itinuturing na Cradle of Mangyan Culture and Heritage.

Miss Oriental Mindoro Top 5 winners (Miss Oriental Mindoro Charities Inc.)

Ang iba pang mga nanalo sa pageant ay sina Zaquera Rada ng Bongabong, 2nd r-up, Ma. Mariel Gaa ng Bansud, 1st r-up at Samantha Diane Bug-os ng Baco, Miss Oriental Mindoro Mahalta 2022.

Samantha Diane Bug-os, Miss Oriental Mindoro Mahalta 2022 (Jan Ludwig Balboa I The Creative Bureau)

Labing-apat na kandidata na pawang representatives ng bawat bayan at isang syudad ng lalawigan ng Oriental Mindoro ang lumahok sa pageant na inorganisa ng Miss Oriental Mindoro Charities Inc. sa pakikipagtulungan ng Oriental Mindoro Provincial Government.

Ma. Mariel Gaa, 1st Runner-up ng Ms. Oriental Mindoro (Jan Ludwig Balboa I The Creative Bureau)
Zaquera Rada ng Bongabong, 2nd Runner-up ng Ms. Oriental Mindoro (Jan Ludwig Balboa I The Creative Bureau)