ACC auction suporta sa paglinang ng husay ng Pinoy artists

Ipinagmamalaki ng Asian Cultural Council (ACC) na ianunsyo ang paparating nitong auction kung saan ipakikita ang magkakaibang koleksyon ng mga likhang sining at cultural artifact mula sa iba’t ibang likha ng Filipino artists.

Yellow Abode | Jose Joya (1931-1995) | Oil on canvas | P16,000,000 (Kuha ng Bilibb)

Ang aktibidad ay magsisilbing selebrasyon ng visionary artistry ng husay ng mga Pilipino at mga organisasyon nito. Kaugnay nito, ang lahat ng kikitain sa auction ay mapupunta sa ACC Philippine Fellowship Program para sa pagsuporta sa pagpapaunlad pa ng husay ng mga Pinoy sa kanilang mga larangan.

Mula nang itatag ang ACC noong 1963, nasa 300 artists na ang natulungan nito at nagpapatuloy pa sa adhikain sa kanilang adhikain.

Ang tanggapan ng ACC Philippines Foundation, Inc. ay nagsimula noong 2000 sa layuning suportahan ang mga sining likha ng mga Pinoy. Ito ang pinakabatang foundation na binuo ng ACC.

Ernest Escaler, Chairman ng ACC Philippines Foundation, Inc. (Kuha ni Teddy Pelaez)

“I don’t know if you people know that the Asian Cultural Council used to be known as the John D. Rockefeller III Foundation. And he created this over 50 years ago to promote cultural exchange between the United States and the Philippines. They put up a lot of money just to give grants to Filipino artists to further enhance their crafts by exposing themselves to what was going on in the United States,” ani Ernest Escaler, Chairman ng ACC Philippines Foundation, Inc. sa isinagawang press conference sa Makati noong Pebrero 26 hinggil sa gaganaping auction.

“We are about to commence our 25th anniversary next year, and this is a venue for that milestone. This is our ninth partnership with Leon Gallery, and we’ve been successful in bringing a lot of artists from the Philippines to the United States with that. I would like to invite everybody to encourage benefactors to contribute to our cause, which is really to raise funds to be able to send artists in all forms of art to the United States,” dagdag pa ni Escaler.

Maribel Ongpin, President ng Asian Cultural Council Philippines Foundation, Inc. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Siyam na Pambansang Alagad ng Sining ang kabilang sa mga tatanggap ng ACC prize. Ito ay sina Jose Joya, Lucresia Kasilag, Lamberto Avellana, Alejandro Roces, Francisco Feliciano, Jose Maceda, Kidlat Tahimik, Ramon Santos, at Alice Reyes.

Samantala, sa mga organisasyong tatanggap ng grants ay ang Asian Composer’s League, Ballet Philippines, Cultural Center of the Philippines, Museo Pambata, National Museum, Samba-Likhaan, UP Center for Ethnomusicology, at ang Visayas Islands Visual Arts Exhibition at Conference.

Tess Rances, Director ng Asian Cultural Council Philippine Program at Administrative Services Department manager ng Cultural Center of the Philippines. (Kuha ni Teddy Pelaez)

 

2023 grantees

Habang sisiyasatin ng multidisciplinary artist at batikang sound designer na si Corrine De San Jose ang kasalukuyang sound art at pampublikong sining sa New York City, susuriin ng choreography at art educator na si Japhet Mari Cabling ang mga kontemporaryong kasanayan sa sayaw sa Estados Unidos. Ang kompositor at ethnomusicologist na si Maria Christine Muyco ay magbibigay ng serye ng mga workshop sa Southeast Asian song cycles sa New York.

Planting Rice | Anita Magsaysay-Ho (1914-2012) | P18, 000,000 (Kuha ng Bilibb)

 

Mga obrang tampok sa auction

Mahigit sa 180 ang mga obrang tampok sa auction na mula sa kilalang “modernist masters” na sina Fernando Zobel, Anita Magsaysay-Ho, at Nena Saguil. Gayundin, narito ang mga obra nina Jose Joya, Fernando Amorsolo, Roberto Chabet, Romulo Olazo, Juan Luna y Novicio, Mauro Malang Santos, Justin Nuyda, Lao Lianben, Arturo Luz, Hernando Ocampo, at Vicente Manansala. Kabilang din ang mga likha nina Ronald Ventura, Cecar Legaspi, Benedicto Cabrera, Felix Resurreccion Hidalgo, at marami pang iba.

Maliban sa mga likha ng kilalang pintor, mabibili rin ang mga antigong gamit para rin sa mahihilig sa koleksyon. Ang mga ito ay mabibili mula P100,000 hanggang P18,000,000.

Ang major auction ay gaganapin sa Marso 9, ika-2:00 ng hapon sa Leon Gallery sa Makati. Ang preview nito ay magsisimula sa Marso 2 hanggang Marso 8 mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi.

 

Asian Cultural Council at ang sining

Ang Asian Cultural Council (ACC) ay isang non-profit na organisasyon na itinatag ng kilalang philanthropist na si John D. Rockefeller III noong 1963 upang itaguyod ang pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng Asya at Estados Unidos.

Ang ACC ay nagbibigay ng mga gawad at fellowship sa mga indibidwal at organisasyon sa sining, humanities, at agham panlipunan upang suportahan ang cross-cultural collaborations, pananaliksik, at mga malikhaing proyekto. Sa pamamagitan ng mga programa nito, hinahangad ng ACC na pagyamanin ang kapwa pag-unawa at pagpapahalaga sa magkakaibang kultura ng Asya at Estados Unidos, na naghihikayat sa pag-uusap at pagtutulungan ng mga artista, iskolar, at mga institusyong pangkultura.

Ang mga tanggapan ng ACC na nasa Asya ay matatagpuan sa Tokyo, Hong Kong, Taipe, at sa Pilipinas.

Para sa catalog ng Asian Cultural Council Auction 2024, tingnan ito sa website ng Leon Gallery.

 

Leon Gallery

G/F Eurovilla I, V.A. Rufino cor. Legazpi Streets,

Legazpi Village, Makati City

www.leon-gallery.com

info@leon-gallery.com

+632 88562781