inquiries: admin@bilibb.ph

TUNGKOL SA AMIN

Nais ng BILIBB na maghatid ng balita at impormasyon na disente at may kapakinabangan sa mga mambabasa kung saan ang pinakainteres ng mga ito ay nakatuon sa kanila at hindi sa pamunuan o tagapaglathala nitong Hayag News Publishing Services.

Naniniwala ang BILIBB na sa paghahatid ng balita at impormasyon ay mailalabas ng mga ito kung ano lamang ang totoo at hindi nangangailangang makasira ng sinumang tao, institusyon, grupo o sektor sa lipunan.

Ang pagbabalita at impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino saan man sa mundo ay magsisilbi ring aral, inspirasyon, at kasiyahan na huhubog sa iba kung saan maaaring itawid tayo nito sa tamang hinaharap.

Nilalayon din ng BILIBB na maipreserba ang magandang imahe, kultura at tradisyon ng ating pagka-Pilipino at maitatag pa kung ano ang mabuti para sa ating lahi.