Duty Free PH may discounts sa kanilang anniversary

Bilang karangalan sa ika-37 anibersaryo, nasasabik ang Duty Free Philippines Corporation (DFPC) na ilunsad ang pinakamalaking sale event nito hanggang sa kasalukuyan. May discounts ang DFPC na hanggang 50% sa malawak na hanay ng mga produkto sa flagship store nito, ang Fiestamall, mula Mayo 17–19, 2024, bilang paraan ng pasasalamat sa mga tapat na devoted patrons.

“We are delighted to commemorate this milestone with our valued customers by offering them unmatched savings and an unforgettable shopping experience,” ayon kay DFPC Chief Operating Officer Vicente Pelagio Angala.

Ang DFPC ay nagdiriwang hindi lamang sa physical store kundi pati na rin online, na nag-aalok ng mga diskwento na hanggang 10% sa e-commerce portal nito, dutyfreephilippines.com.ph, mula Mayo 15 hanggang Mayo 30. Maaaring i-check nang mabuti ng mga mamimili ang large selection of goods at samantalahin ang amazing discounts.

Ang guests sa Fiestamall sa Mayo 17 ay ituturing sa nakakabighaning mga kultural na gawain na naglalaman ng masiglang diwa ng tema ng summer fiesta, na nagdaragdag ng dagdag na kasiyahan sa kaganapan.

“We invite everyone to join us in celebrating 37 years of excellence and innovation at Duty Free Philippines. With unbeatable discounts, exciting entertainment, and a warm atmosphere, it’s an event not to be missed,” saad pa ni Angala.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa activities sa pagbebenta sa anibersaryo ng DFPC, bisitahin ang social media account ng DFPC (@dutyfreephils).