71% ng mga Pinoy suportado ang pagbabalik ng ROTC nang may kondisyon

Kinokonsidera ng pamahalaan na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program. Nilalayon ng inisyatiba na ito na paghusayin ang kahandaan ng mga estudyante sa senior high school sa usapin ng pagiging makabayan, nasyonalismo, pambansang depensa, at paghahanda sa sakuna. Upang mangalap ng mga kaalaman sa bagay na ito, nagsagawa ng survey ang Capstone-Intel Corporation para masuri ang kaalaman at persepyon ng mga Pilipino.

Ang survey na isinagawa sa buong bansa ay mayroong 1,210 respondente mula sa 17 iba’t ibang rehiyon. Sa mga respondenteng ito, 51% ay mga lalaki at 49% ay mga babae, lahat ay nasa pagitan ng 18 at 65 taong gulang at higit pa.

Sa mga respondete, 15% ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), 13% ay mula sa NCR (National Capital Region), 12% ay mula sa Rehiyon 3, at 8% bawat isa ay mula sa Rehiyon VII at VIII.

Sa mga nasuri, higit sa 71% ang nagpahayag ng suporta para sa implementasyon ng mandatory ROTC para sa mga estudyante. Ang paborableng persepsyong ito sa ROTC ay makikita sa iba’t ibang pangkat ng edad, na may mga indibiduwal na nasa edad na 25-34 na nagpapakita ng pinakamataas na antas ng suporta sa 77%. Sinusundan ito ng edad na 35 hanggang 44, na may grado ng suporta na 73%, at mga indibiduwal na may edad na 55 hanggang 64, na nagpapakita ng grado ng suporta na 71%.

Higit pa rito, ang suporta para sa ROTC ay makikita rin sa iba’t ibang rehiyon, na may pinakamataas na grado ng suporta na nagmumula sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) sa 86%, na sinusundan ng Rehiyon IX sa 81.40% at Rehiyon X sa 76.56%. Gayunman, ang mga rehiyon na may pinakamababang porsyento ng suporta ay ang NCR (66.45%), Rehiyon VI (64.84%), at CALABARZON (64.61%).

Ang isang aspeto ng pagsusuring ito ay naglalayong tukuyin ang mga salik na nag-uudyok sa mga respondente na suportahan ang muling pagbabalik ng ROTC. Ang tatlo sa mga pangunahing dahilan na binanggit ay: ang pagnanais para sa disiplina (88%), ang pagkakataong makatanggap ng pagsasanay sa pamumuno (73%), at ang pagkakataong bumuo ng mga kasanayan sa pagtutulungan ng magkakasama (71%).

Bagama’t mahigit 71% ang sumusuporta sa muling pagkabuhay ng ROTC, may mga dahilan pa rin kung bakit maaari nilang baguhin ang kanilang pasya. Ang pangunahing dahilan ay walang kasiguruhan na maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa mga pang-aabuso (58%), mas maraming gastos (37%), mga epekto sa kalusugan ng isip (32), at kung ito ay sapilitan (28%).

Kinikilala ng Capstone-Intel ang sentimyento ng publiko sa pagbabalik ng ROTC bilang isang educational at skill-building opportunity para sa mga estudyante.

“The high level of support for the ROTC program stems from the public’s strong belief in its ability to impart valuable knowledge to students. It is important to address the concerns of parents and guardians and assure them that their children will be safeguarded from any potential issues,” ayon sa Capstone-Intel.

“Policymakers must carefully study the implementation of the ROTC program to ensure that it aligns with the goals and values of the universities involved. Open and transparent consultations with students, parents, and guardians are essential to address any concerns and ensure a clear and orderly return of ROTC,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, ang ROTC ay isang mahalagang bahagi ng National Service Training Program (NSTP), alinsunod sa Republic Act 9163 o ang NSTP Act of 2001. Kasama ng ROTC, ang NSTP ay sumasaklaw din sa Civic Welfare Training Service at Literary Training Service.

***

Upang malaman ang higit pa tungkol sa datos, mangyaring tingnan dito.

Ang Capstone-Intel ay isang kompanya ng mataas na epekto ng pananaliksik na gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagamitan, at mga pamamaraan sa pagsusuri upang isalin ang mga datos at impormasyon sa mga modernong kaalaman na naaaksyunang mga produksyon. Nakatuon ang ahensya na tulungan ang mga kliyente nito na malutas ang mga problema, humanap ng mga solusyon, palaguin ang mga merkado at nasasakupan, bumuo ng mga reputasyon, maiwasan ang mga peligro, at pamahalaan ang mga krisis; at maging nangungunang pribadong ahensya ng pananaliksik at intelihensya sa bansa.