Pinas ika-73 sa most powerful passport sa mundo

Nasa ika-73 na puwesto ang Pilipinas sa most powerful passport sa buong mundo. Ito ay batay sa Henley Passport Index.

Ang Henley Passport Index ay isang pandaigdigang kinikilalang sistema ng pagraranggo na sumusukat sa lakas at halaga ng iba’t ibang pasaporte. Nagbibigay ito ng mahahalagang insight at data sa antas ng visa-free travel at accessibility na tinatamasa ng mga may hawak ng pasaporte. Ang index ay isang reliable resource para sa mga indibiduwal, negosyo, at pamahalaan upang masuri ang mobility at mga global opportunities na kasama ng isang partikular na pasaporte.

Sa taong ito ay kahanay ng Pilipinas ang Cape Verde Islands at Uganda, na may visa-free na access sa 69 na destinasyon.

Nang mga nakaraang taon mababa ang puwesto ng bansa sa parehas na global index

 

Puwesto ng Pilipinas sa Henley Passport Index sa mga nakaraang taon

78th noong 2023

77th noong 2022

83rd noong 2021

74th noongn 2020

77th noong 2019

 

2024 World’s most powerful passports

1st – France, Germany, Italy, Japan, Singapore, Spain (access to 194 visa-free destinations)

2nd – Finland, South Korea, Sweden (access to 193 visa-free destinations)

3rd – Austria, Denmark, Ireland, Netherlands (access to 192 visa-free destinations)

4th – Belgium, Luxembourg, Norway, Portugal, United Kingdom (191 visa-free destinations)

5th – Greece, Malta, Switzerland (190 visa-free destinations)

6th – Czech Republic, New Zealand, Poland (189 visa-free destinations)

7th – Canada, Hungary, United States (188 visa-free destinations)

8th – Estonia, Lithuania (187 visa-free destinations)

9th – Latvia, Slovakia, Slovenia (186 visa-free destinations)

10th – Iceland (185 visa-free destinations)