Tips para magmukhang malaki ang spaces sa bahay

Kapag maliit ang bahay o kuwarto ninyo, dapat may mga paraan din kayong gawin para magmukha itong maluwag at kaaya-ayang tingnan, puwestuhan o tambayan.

Kung gipit din sa budget, huwag nang kumuha pa ng interior designer at maging madiskarte na lamang para sa pagpapaganda ng inyong tahanan o room (na naninirahan lamang sa room apartment). Sundin ang ilang tips para rito:

– Ikonsidera na magkaroon ng isang kulay at hanggang maaari ay light color mula sa white, ecru, dirty white, cream at iba pang light colors. Tandaan na kapag maraming kulay ay nagpapasikip at ginagawang limitado ang hitsura ng isang lugar.

Ang limitadong kulay na makikita ay isang halimbawa na naibibigay na epekto sa kuwartong ito. Depende sa pagkakalagay ng kulay, maaari itong magpaluwag o magpataas ng space. (www.hkinteriors.com)

– Maglagay ng horizontal o vertical line/s na maaaring magpalawak o magpataas ng espasyo ng isang lugar. Ang horizontal ay nagpapalawak habang ang vertical ay nagpapataas.

– Sa furniture, maging wais sa pagpili ng mga ito. Piliin ang maliit, magaang na uri nito para hindi nagpapasikip sa inyong space.

– Sa ilaw na gagamitin, gawin din itong light. Mas mainam na light din ang kulay ng kurtina at hawiin ito para makapasok ang natural light. Iwasan nang gumamit ng blinds na nagpapabigat, nagpapasikip din ng space.

Bigyan ng natural light ang room para magmukha itong maaliwalas.

– Pagdating sa mga designs, shapes o artwork – mula sa kurtina, doormat, couch, at iba pa – ay piliin lamang ang maliit at kaunting kulay nito para hindi makasikip sa dating o hitsura ng room.

– Iwasan ang mga bagay na magpapasikip, dagdag ligpitin sa inyong tahanan para maiwasan din ang stress.

– Malaking bagay din na mayroong malaking salamin sa room o kung ilalagay ito sa isang side ng pader para magmukhang malaki ang inyong espasyo.

Isang halimbawa ito ng paglalagay ng malaking salamin na nagpapalaki sa hitsura ng inyong space.