BPI: Waive ang online transfer fee

Nag-anunsyo ang Bank of the Philippine Islands (BPI)  ng pansamantalang waiver ng transfer fee o hindi na pangongolekta ng online bank transfer fee para sa mga piling maliliit na transaksyon hanggang Setyembre 30, 2023.

Ang serbisyong ito ay bilang bahagi ng pagsisikap ng BPI na isulong ang financial inclusion sa Pilipinas. Ang mga bagong user ng app ng bangko ay maaaring maglipat ng hanggang P1,000 sa pamamagitan ng InstaPay sa iba pang bank account mula Hulyo 5 hanggang sa katapusan ng Setyembre, ayon sa inilabas na pahayag ng BPI. Ang inisyatiba na ito ay isang patunay sa pangako ng bangko na bigyang kapangyarihan ang mga customer nito na may access sa abot-kaya at maginhawang serbisyo sa pananalapi.

Sa naging pahayag itong Huwebes, sinabi ng bangko na ang mga customer na gumagamit ng bagong BPI app ay makakapagpadala ng pera sa anomang bangko o e-wallet nang walang anumang mga pagsingil.

“We encourage our clients to take advantage of the new BPI app and transfer up to P1,000 via InstaPay for free to fully enjoy and maximize the benefits of digital banking,” ani BPI consumer platforms head Fitzgerald Chee.

Inihayag ng BPI na ito ay naging isa sa naunang mga bangko sa rehiyon ng bansa upang alisin ang mga singil sa InstaPay interbank transfer, at sa gayon ay sumunod sa isang panukala na inihain ng Bangko Sentral ng Pilipinas na alisin ang mga singil sa mga minor-scale na online na transaksyon.