Gabi ng OPM nostalgia sa Enchanted Kingdom sa Mayo 7

Sa ginanap na press conference itong Mayo 2 ng Enchanted Kingdom para sa gaganaping The Four Kings and a Queen concert, dumalo rito ang hitmakers na sina (mula kaliwa) Marco Sison, Pops Fernandez at Hajji Alejandro. Ang concert ay gaganapin sa Mayo 7 sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Para sa lahat ng mga nanay na mahilig sa musika, ang Enchanted Kingdom ay may hinanda para Mother’s Day! Ang The Four Kings and a Queen, isang event na nagpaparangal sa Original Pilipino Music (OPM) ay maghahatid sa mga manonood sa nostalgic tunes ng musikang Pinoy. Ito ay gaganapin sa nasabing Enchanting Events Place sa Mayo 7, 2023 sa ika-7 ng gabi.

Sa concert na nasa musical direction ni Gerry Matia, tampok dito ang walang kapantay na Concert Queen na si Pops Fernandez at ang quartet ng certified Hitmakers. Muling sariwain at pakinggan ang ilan sa mga sikat na awitin noon tulad ng “Kumusta Ka” ni Nonoy Zuñiga, “Nakapagtataka” ni Hajji Alejandro, “Maging Sino Ka Man,” ni Rey Valera, “Si Aida, Si Lorna, o Si Fe” ni Marco Sison at hit na “Don’t Say Goodbye,” ni Pops Fernandez at marami pang iba.

Pops Fernandez

Ito’y isang de-kalidad na mga awitin at iba pang entertainment na maihahandog na regalo para sa mommies – isang mainit na pasasalamat sa kanilang pagmamahal. Asahan na may mga opsyon sa pagkuha ng tiket ng Enchanted Kingdom para sa concert at pagpasok sa park.

Hajji Alejandro

Ang ticket prices para sa concert-only option ay VVIP na P5,000; VIP na P3,750; at General Admission na P2,000. Para naman sa gustong ma-enjoy ang concert at at pagpasok sa park, ang tickets ay mabibili sa VVIP na P5,700; VIP na P4,450; at General Admission na P2,700.

Marco Sison

Huwag palampasin ang magkaroon ng magandang treat sa Mother’s Day gaya ng concert na ito!

Mabibili ang tickets sa EK Online Store, Enchanted Kingdom’s Makati Sales Office sa Front Gate ticket booths. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.enchantedkingdom.ph o makipag-ugnayan sa Magical Guest Relations Office ng Enchanted Kingdom sa 09088861276, (+632) 85843535, o (+632) 85844326 hanggang 29, o magpadala ng email sa mard@enchantedkingdom.ph. Sundan ang enchantedkingdom.ph at Facebook: enchantedkingdom.ph para sa karagdagang detalye at update sa The Four Kings and a Queen concert.