Libreng sakay sa LRT-2, MRT-3 sa Mayo 1 sa mga mangagawa

Ang mga pasaherong nasa isang istasyon ng MRT-3 habang matiyagang nakapila upang makasakay.

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Araw ng Manggagawa, may libreng sakay para sa mga manggagawa sa LRT-2 at MRT-3 para sa mga piling oras.

Ang libreng sakay ay para sa mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor. Bago nito ay kinakailangang magpakita ng ID mula sa kumpanyang pinagtatrabahuan o anomang balidong government-issued identification card.

LRT-2

Ika-7 ng umaga anggang ika-9 ng umaga at ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi

MRT-3

Ika-7 ng umaga hanggang ika-9 ng umaga at ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi

Bilang selebrasyon sa Araw ng Manggagawa, inanunsyo ng Light Rail Transit Authority na magkakaroon ng libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 sa mga piling oras sa Mayo 1 para sa mga manggagawa.