5 award-winning Asian films matutunghayan sa Cinemelaya

Isang eksena sa pelikulang Bone Marrow.

Ang Vision of Asia ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay nagbabalik kasama ang pagpapalabas sa limang nanalo bilang Asian Indie films galing sa Azerbaijan, Iran, India, Tajikistan at Bangladesh.

Dahil sa limitadong kapasidad ng paglulunsaran dahil sa patuloy na renobasyon ng Little Theatre, ang Vision of Asia ay bahagyang hindi natuloy noong isang taon. Ngayong taon, ang pagpapalabas sa nanalong Asian films, sa pagsasaayos ng Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC), ay nagbabalik sa ika-19 na edisyon ng Cinemalaya na magaganap sa Agosto 4 hanggang 13 sa Philippine International Convention Center (PICC) at Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theatre).

Ang nasabing films ay ang Cold as Marble ni Asif Rustamov, Bone Marrow ni Hamid Reza Ghorbani, Declaration ni Mahesh Narayanan, Fortune ni Muhiddin Muzaffar at The Instinct ni Juboraj Shamin.

Ang ikalawang palabas na idinirehe ni Rustamovna Cold as Marble ay tumatalakay sa hindi iaasahang pagkalaya sa kulungan ng isang ama. Ang walang pagbabagong buhay ng kaniyang anak ay naging delikado at komplikado sa may poot at bully na ama, na nakulong dahil sa salang pagpatay. Ang 88 minutong palabas ay nanalo ng iba’t ibang uri ng parangal sa international film festivals, kasama na rito ang Best Director sa 2022 Eurasia International Film Festival sa Almaty; Best Actor sa 2022 Tallinn Black Nights Film Festival. Kamakailan lang, ang Cold as Marble ay nanalo ng Grand Jury Prize Marc Haaz Award at NETPAC Jury Prize sa 2023 Vesoul International Film Festival of Asian Cinema.

Sa Bone Marrow, nalaman ng babaeng si Bahar na mayroong maliit na tsansa na mailigtas sa nakamamatay na sakit ang kaniyang anak sa pamamagitan ng cord blood o ang dugo na naiiwan sa plasenta at pusod pagkatapos manganak. Alam niyang mayroon lamang siyang maikling panahon para gumawa ng isang malaking desisyon: ang manatili sa pangalawa nitong asawa at magpaalam sa kaniyang anak o ‘di kaya’y makipaghiwalay sa ikalawang asawa at pakasalan muli ang unang asawa upang magkaroon ng panibagong anak para lamang sa cord blood. Mas lalo lamang gumulo ang lahat nang malaman niyang ang unang asawa niya ay kalalabas lamang sa mental hospital at nahatulan ng kamatayan dahil sa salang pagpatay. Ang Bone Marrow, ikalawang palabas ni Ghorbani ay nasala noong 2021 Vancouver International Film Festival at 2022 Asian Film Festival. Ang pelikulang ito ay nanalo ng Best Director para kay Ghorbani at ang NETPAC Prize para sa palabas.

Ang Declaration ni Narayanan ay nakasentro sa mag-asawang imigrante mula sa timog ng India na sina Hareesh at Reshmi na nagtatrabaho sa pagawaan ng medical gloves. Sa kasagsagan ng Covid-19 lockdown, nang lumabas muli ang lumang video ng mga manggagawa ng pabrikang iyon, muling nagkaroon ng malaking problema na siyang naging dahilan nang pagbabanta sa trabaho at pagsasama nina Hareesh at Reshmi. Sa huli, sa kabila ng lumalaking paghihirap at hindi magandang pagsasama, ang dalawa ay napilitang harapin ang kanilang pangangailangan at kagustuhan habang namimili sa buhay ng konsensya o buhay ng pagkakaisa. Ang Declaration ay nanalo ng NETPAC para sa Best Mayalam Film sa ika-27th International Film Festival of Kerala (IFFK).

Isang tagpo sa pelikulang Fortune.

Ang Fortune ay isang drama na naganap sa bisperas ng Deklarasyon ng Kalayaan sa Tajikistan. Ang storya ay umiikot sa dalawang magkaibigang sina Kahhor at Mannon na sinubok ng tandhana nang ang isa sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataong makuha ang lucky lottery ticket bilang sahod nito. Ang palabas ni Muzaffar ay nasala sa parehong nasyonal at internasyonal film festivals sa mga bansa ng Dushanbe, London, Stockholm, Kazan at Nur-Sultan. Itinampok nito ang mga aktor sa Tajikistan na sina Abdumumin Sharifi, Salohiddin Shukurzoda, Firuza Rahmanova, Isfandiyar Gulyamzadeh at Hushruz Ergavesh.

Ang Instinct ay isang istoryang tungkol sa baldadong lalaking si Langra, at ang kanyang walang saysay na buhay na nasasangkot sa panibaong relasyon saan man siya mapunta. Nasangkot si Langra sa isang relasyong walang lebel sa asawa ni Kala, isang drug dealer, na si Sohagi. Kung nalaman ito ni Kala, mas lalo lamang gugulo ang lahat. Kahit pa man alam ni Langra na magiging kumplikado ang lahat, hindi pa rin niya mapigilang gawing mala-pantasya o sumpa ang kaniyang buhay. Nagkaroon ng world premier ang Instinct sa ika-44 Moscow International Fil Festival at nag-uwi ng dalawang parangal, Silver George Award (Special Jury Award) at NETPAC Jury Award. Naitampok din ito sa ika-25th Religion Today Fil Festival sa bansa ng Italy at sa 12th Queens World Film Festival sa New York na kung saan nanalo ito ng Best For Fest award. Nakatanggap din ng parangal ang palabas bilang Best Fiction sa ika-10th Nepal Human Rights International Film Festival sa International na kategorya.

Ang director ng Instinct na si Juboraj Shahim Bhuyan ay nasa Manila para sa talkback pagkatapos ng pagpapalabas ng kanyang pelikula sa Agosto 6, sa ganap na ika-6:15 ng hapon sa Cinema Felipe (Meeting Room 4) sa PICC.

Ang NETPAC ay isang boluntaryong organisasyon na binubuo ng 29 na bansa sa buong mundo. Itinatag noong 1990 ni Aruna Vasudev, pinamamahalaan ng cinephiles na nagtrabaho ng walang kapaguran at kabayaran sa loob ng 25 na taon upang ipalaganap ang Asian Cinema.

Ang NETPAC award ay iginagawad sa mga piling international film festival tulad ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival upang ipalaganap ang Asian cinema sa pamamagitan ng pagtampok sa mga natatanging pelikula at pagtuklas ng mga bagong talento.

Simula 2005, ang Cinemalaya ay patuloy na tinutuklas, hinihikayat at sinusuportahan ang mga cinematic na gawa ng mga bagong beteranong Pilipino na taga-gawa ng pelikula at at matapang na nagpapahayag at malayang nagbibigay kahulugan sa sa karanasan ng Pilipinas nang may sariwang pananaw at artistikong integridad.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) at Cinemalaya website (www.cinemalaya.org). I-follow ang opisyal na Facebook pages ng CCP at Cinemalaya at ibang social media accounts tulad ng Twitter, Instagram at Tiktok.