PAGASA: Init sa Mayo mas matindi

Ramdam ninyo ba ang init ng panahon ngayon? Mas mag-iinit pa ito sa susunod na buwan.

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGA-ASA) nitong Biyernes na mas titindi pa ang init na mararanasan natin sa Mayo.

Tila hindi na mapipigilan ang init dahil kahit nitong hapon ng Biyernes ay nakaramdam ng heat index ang Metro Manila ng 43°C.

Ayon pa sa weather bureau ay maaaring maramdam pa natin ang init hanggang sa Linggo na may temperaturang 34-35 °C sa Metro Manila.

Iniulat din na sa susunod na buwan, ang heat index ay tinatayang aabot sa 56°C sa Muños sa Nueva Ecijas Muoz habang 50°C sa Cabanatuan City.

Maging maingat dahil peligroso rin ang heat index na nasa pagitan ng 38 hanggang 45°C.

Ano ang heat index?

Naririnig ninyo ba ang mga salitang heat index na sinasabi sa mga balita tungkol sa klima? Upang masuri kung gaano kainit ang pakiramdam sa iyong katawan, isinasaalang-alang ng heat index ang humidity bilang karagdagan sa temperatura ng kapaligiran. Kung mataas ang humidity, maaaring hindi agad maubos ang iyong pawis at mas mahirap kang magpalamig. Sa taas ng heat index, maaari itong maging daan sa heat stroke, dehydration at iba pa.