“Love You Long Time” nina Carlo Aquino at Eisel Serrano nalalapit na

Sina Carlo Aquino at ang baguhang aktres na si Eisel Serrano para sa promotion ng kanilang pelikulang “Love You Long Time.” (Kuha ng Bilibb)

Pormal na humarap sa media ang main cast ng pelikulang Love You Long Time na sina Carlo Aquino, at ang baguhang aktres na si Eisel Serrano, Ana Abad Santos, at Meann Espinosa nitong Marso 29, 2023 sa Kamuning Bakery sa Quezon City.

Game na sumagot sa tanong ng press sina Carlo bilang Uly at Eisel bilang Ikay sa kanilang mga role sa nasabing pelikulang ginawa pa nooong 2021 na inaasahang magugustuhan ng manonood.

Natanong si Eisel kung anong naging tingin niya sa project na kanyang tinanggap.

“At first po nung mabasa ko ang script napakaganda. I doubted myself at first kasi ang ganda-ganda ng script baka hindi ko po mabigyan ng hustisya. Parang bagay siya sa beteranong aktres pero ibinigay ko po lahat (dito). Isinapuso ko ang project at pinag-aralan ko nang todo-todo para magawa nang maayos,” sambit ni Eisel na may hawig sa mga aktres na sina Jane de Leon at Janine Gutierrez.

Sina Carlo Aquino at Eisel Serrano para sa promotion ng kanilang pelikulang “Love You Long Time.” (Kuha ni Teddy Pelaez)

Konek pa rin sa pelikula, may tanong ding anong mayroon sa pag-ibig na nagtagal bago pa ito na-realize?

“Sometimes we forget about what happened in the past or masyado tayong naho-hold on what happened in the past. We sometimes forget how important our future and present are,” pakli n Eisel. “It’s important to treasure natin nang mabuti ang love. It takes time to realize also how much you love a person.”

Ayon sa cast ay maraming twist ang istorya na dapat sundan sa kanilang pelikula kaya hindi ito dapat palampasin.

May pagkukumpara rin si Carlo na kung paano natin sinusuportahan ang foreign movies ay dapat ganoon din natin tingnan ang sa atin.

“Sana masuportahan din natin ‘yung mga pelikulang ginagawa natin dito kahit mga baguhan, ‘di ba?” ayon kay Carlo.

Sa ginanap na press conference ng pelikulang Love You Long Time, dumalo rito ang main cast nito na sina (mula sa kaliwa) Carlo Aquino (naka-shades), Eisel Serrano, Ana Abad Santos, at Meann Espinosa. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ang kuwento ng Love You Long Time…

Isa sa mga kinikilalang entries para sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival, ang Love You Long Time na magsisimula sa Abril 8, 2023 ay pinagbibidahan nina Carlo Aquino, at Eisel Serrano. Ang pelikula ay ginawa ng Studio Three Sixty, na idinerehe ni JP Habac at sa panulat ni Gena Tenaja.

Isinasalaysay nito ang kuwento ng isang batang romance screepwriter na may pinakamalalim na heartbreak at tumama sa isang malikhaing roadblock hanggang sa makilala at ma-in love siya sa isang kakaibang lalaki mula sa nakaraan sa pamamagitan ng isang lumang push-to-talk phone.

Si Eisel Serrano habang masaya sa inaasahan ng pelikula nila ni Carlo Aquino na “Love You Long Time.” (Kuha ng Bilibb)

Synopsis

Maaaring seryoso tayong hindi naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig matapos ng maraming taon ng mga romantikong pelikula at kuwento ng pag-ibig. Tulad ng ito ay naging awtomatiko, nakagawian, o hindi bababa sa, paunang binalak na may mga inaasahang elemento ng kuwento.

At ipinaalam sa kanya ng longtime girlfriend ni Eulogio Leonida na, sa kabila ng anim na taon nilang pagsasama umabot sa breaking point ang kanilang relasyon at tahasan niyang tinanggihan ang kanyang marriage proposal. Nakaapekto rin ito sa kanyang pagsusulat para sa mga romantic comedy, at nang maghiwalay sila, wala nang kapangyarihan si Eulogio mula nang magdesisyon si Ikay (Eisel Serrano) na umalis at magpunta sa probinsya.

Habang papunta ng Baguio, misteryosong nagkrus ang landas nina Ikay at Uly (Carlo Aquino) sa pamamagitan ng lumang push-to-talk na telepono. Agad silang nag-usap at naging magkaibigan. Sinaliksik ng dalawa ang pagkakaibigang ito na nagiging pag-ibig, na walang problema dahil tila isang “historical figure” si Uly.

Para sa higit pang updates sundan ang opisyal social media pages ng Studio Three Sixty at Love You Long Time.

Facebook: loveyoulongtimethemovie and studiothreesixtyph

Instagram: @loveyoulongtime.themovie and @studiothreesixtyph