42% Pinoy namuhunan sa cryptocurrency dahil sa high returns of investment

Ang pag-usbong at paglago ng merkado ng cryptocurrencies ay nakakuha ng napakalaking pandaigdigang interes at atensyon sa mga nagdaang panahon. Gayunman, ang antas ng kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa makabagong digital na pera ay isang lugar na nangangailangan ng karagdagang paggalugad.

Kaugnay nito, ang Capstone-Intel Corporation ay nagsagawa ng pagsisiyasat sa pananaliksik upang makakuha ng datos sa lawak ng kamalayan at pag-unawa sa cryptocurrencies sa loob ng bansa. Alinsunod sa layuning ito, nagsagawa ng nationwide survey ang Capstone-Intel mula Mayo 1 hanggang Mayo 10, 2023. Ang mga napag-alaman sa pag-aaral ay nagpapahiwatig na 1,204 respondente ang may kamalayan tungkol sa konsepto ng cryptocurrency. Sa hanay na ito, 42% ang mga namuhunan sa umuusbong na klase ng asset na ito.

Sa mga respondente, 49.58% ay mga lalaki at 50.4% ay mga babae. Sinuri rin ang antas ng kanilang edukasyon kung saan 58% sa mga ito ay nakapagtapos ng kolehiyo, 20% ang hindi nakapagtapos ng kolehiyo, 12% ang nakapag-high school, 5% ang nakapagtapos ng technical-vocational programs, 3% ang may post-graduate degree, at 2% ang nakakumpleto ng high school.

Sa datos, ang Region X at NCR ang may pinakamaraming respondente sa bilang na 17%. Ang Region III at CALABARZON ay nag-ambag ng tig-isang 10%. Ang ibang 7% ay mula sa Region V, ang 5% ay parehas na nagmula sa Region XI at Region XII. Ang Region I, Region VIII, at Region IX ay may parehas na 4% na dami ng respondente. Ang Region II at BARMM ay may tig-isang 3%, habang ang MIMAROPA, Region XIII, at CAR ay nag-ambag ng 2%.

Pamumuhunan sa cryptocurrencies

Mula sa datos, tinanong ang mga respondenteng may alam sa cryptocurrency kung sila ay namuhunan dito at lumabas na 42% sa mga ito ang sumagot ng oo habang 57% ang sumagot ng hindi, at 2% ang nagpahayag ng walang katiyakan.

Ang puhunan ng mga respondente na ito ay mula sa mas mababa sa P1,000 hanggang mahigit P10,000.

Nang matanong ang mga namuhunan kung ano ang dahilan nila para gawin ito, 51% sa kanila ay nagsabing naroon ang mataas na balik ng puhunan.

“Upon analyzing the data, it is evident that individuals who have invested in cryptocurrency are optimistic about the potential for high returns on their investments. The amount of capital invested in these ventures varied, ranging from less than a thousand pesos to over Php 10,000. Cryptocurrency offers a range of financial opportunities that are accessible to individuals from all income brackets. While there is a risk of investments depreciating, 42% of investors were motivated by curiosity and a desire to test the waters. Additionally, 41% invested in cryptocurrency due to its convenience. These observations suggest that cryptocurrency is both accessible and convenient, making it an excellent platform for individuals to learn about financial investments,” ani Ella Kristina Domingo-Coronel, Research at Publications Director ng Capstone-Intel.

Halos kalahati ng respondente ay nasa edad 35–44 (49%), 45-54 (47%), a 25-34 (45%) ang namuhunan sa cryptocurrency. May talang 65% na nasa edad 18-24 at 74% ng edad 65-75 ang hindi namuhunan. Sa pagitan ng mga lalaki at babae, tanging 35% ng mga babae ang namuhunan habang 48% ang mga lalaki na hindi ginawa ito.

Sa mga namuhunan, 80% ang naglagak ng pera. Ang grado sa mga sumusunod ay kinabibilangan ng Ethereum na 41%, XRP na 24%, at Binance USD na 22%.

Upang malaman ang detalye ng survey, sundan dito.