Solusyon sa body odor

May body odor ka ba? Malaking tsansa ito na iwasan ka ng maraming tao.

Malaking turn-off talaga kapag mayroong body odor. Masakit matawag na “may putok” ang kumpiyansa mo ay nasisira dahil dito.

Ang pawis ay hindi maiiwasan, ito ang sistema ng ating katawan upang ang temperatura ay manatiling regulated.

Bumabaho ang katawan lalo na sa parteng kilikili kapag ang pawis ay nasamahan ng bacteria.

Ang sobrang pagpapawis na may kasamang masamang amoy ay nagsisimula sa puberty (edad 10 at 14 para sa mga bababe at 12 at 16 para sa mga lalaki) dahil ito ang panahon na tumataas ang hormones na tinatawag na androgen – na sa puberty lamang nangyayari.

Ang ilang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit mas pawisin ay dahil sa klima, mabigat na timbang, sobrang exercise, pagbabago sa hormones, diabetes, liver o kidney disease, at pag-inom ng antidepressant. Kabilang din dito ay ang mga pagkaing matataba, pagkaing may bawang, curry, at bawang na maaaring tumagos sa pamamagitan ng iyong pores at maging sanhi ng amoy ng katawan.

Ang pagbaho rin ng katawan ay madalas na nasa kilikili dahil sa germs o bacteria. Ngunit ang masamang amoy ay maaari ring mangyari sa singit, puwetan, at sa mga paa.

Sa mga body odor problema talaga ang ganito kaya’t ang hanap ay remedyo at hanggat maaari ay remedyong hindi mahal o abot-kaya lamang ng bulsa.

Solusyon sa body odor

– Araw-araw maligo o agad na mag-shower kapag pinawisan nang husto ang katawan

– Hugasan ang bawat bahagi ng katawan na pawisin at gamitan ng germicidal soap o antibacterial soap

– Huwag nang ulitin pa ang damit na ginamit na. Labahan agad ang damit na ginamit at huwag iwanan itong nasa laundry basket na basa ng pawis

– Kahit matapos na maligo sa gabi, maglagay pa rin ng antiperspirant

– Baguhin ang diet. Iwasan ang spicy food o mga pagkaing may sobrang maaanghang na spices gaya ng bawang, sibuyas, sili at iba pa

– Kapag hindi na makontrol ang pawis (hyperhidrosis), magpatingin sa doktor upang masuring maigi kung ano ang remedy na akma sa iyo