40 cultural workers sinanay ng Nayong Pilipino, DOT

Ang 40 cultural workers na sinanay ng Nayong Pilipino Foundation at Department of Tourism (DOT) noong Hulyo 19-21 bilang preparasyon sa opisyal na paglulunsad ng “Philippine Experience,” pang-promosyon ng DOT upang ipabalita ang mayamang pamana, sining at kultura sa pamamagitan ng serye ng caravan ngayong taon.

Ang Nayong Pilipino Foundation katuwang ang Department of Tourism of Product and Market Development (DOT-OPMD) at DOT CALABARZON ay nagsanay ng 40 kultural na manggagawa na binubuo ng mga opisyal ng turismo, tour guides at tagapagplano ng turismo galing sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) noong Hulyo 19-21 bilang preparasyon sa opisyal na paglulunsad ng “Philippine Experience” isang proyekto sa rehiyon sa susunod na buwan.

Ang tatlong araw ng pagsasanay ay dinaluhan ni Kalihim ng DOT OIC ng Tourism Development Planning na si Verna Buensuceso, DOT CALABARZON Regional na Direktor na si Marites T. Castro at NPF Executive na Direktor na si Gertie Duran-Batocabe.

Inilunsad noong 2019, ang CLI MakaNayon ay mga serye ng impormasyong pangkultura at pagsasanay sa pamumuno ng pagpapakahulugan sa pamana na siyang nagsasaliksik sa kahulugan at kasanayan ng kultural na pamumuno sa Pilipinas. Ang kursong CLI MakaNayon ay binubuo ng limang modyul—MakaTao, MakaKalikasan, MakaBayan, MaPanagutan at MakaDiwa. Ang mga modyul ay itinuro ng mga eksperto mula sa academe, AnthroWatch, at Philippine Educational Theater Association (PETA).

Kasali rito ang Interpretative Planning na naglalayong sanayin ang mga opisyal o tagaplano ng turismo para bumuo ng mga planong pang turismo na mayroong interpretasyon sa pamana na istraktura; Interpretative Guiding na siyang tutulong sa mga tour guide para bumuo ng mga ilustratibong gabay, ilustratibong mga lakad at salita, pagsasama ng mga local na naratibo at interpretasyon.

Kasama sa mensahe ng NPF Executive Gertie Duran-Batocabe na sa pagbibigay ng oportunidad sa edukasyon at pagsasanay, ang ahensya ay umaasa na hindi lamang mapalawak ang sektor ng turismo bagkus mapataas din ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa local na kultura katulad ng pagpapahalaga nila sa ibang kultura ng ibang lahi.

“Through the Nayong Pilipino CLI Intensive courses, we will enable participants to develop their leadership skill and understanding of cultural heritage protection. By so doing, we hope to empower participants to become strong advocates for the conservation of their unique cultural identities,” saad niya.

Ang “Philippine Experience” ay isang panibagong proyektong pang-promosyon ng DOT upang ipabalita ang mayamang pamana, sining at kultura sa pamamagitan ng serye ng caravan ngayong taon.

Ang NPF ay kaakibat na ahensya ng DOT na nabuo noong Nobyembre 6, 1972 sa ilalim ng Presidential Decree 37, na ipinagutos na protektahan ang pagkakilanlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo ng mga parke at mga proyektong pananaliksik bukod sa iba pa.