3k artipakto, 1 exhibit sa ika-50 anibersaryo ng NPF

Ang ilan sa artifacts sa loob ng exhibit sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila bilang bahagi ng ika-50 Anibersaryo ng Nayong Pilipino Foundation. (Bilibb)

Sangkap ng matatag na lipunan ang pagtataguyod at pangangalaga sa kultura, kapaligiran at turismo. Isa ito sa mga bagay na palaging tangan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) kaya naman sila ay matatag at nakatungtong sa kanilang anibersaryo.

Sa ilalim ng temang “Noon, Nayon, Bukas: Pamana at Pagsibol ng Bagong Nayon” ay ipinagdiwang ng NPF ang kanilang ika-50 anibersaryo sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila nitong Biyernes, Nobyembre 4.

Ang ilan sa artifacts sa loob ng exhibit sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila bilang bahagi ng ika-50 Anibersaryo ng Nayong Pilipino Foundation. (Bilibb)

Sa pamamagitan ng exhibit na tinawag na “(K)loob(an)”, bahagi ito ng selebrasyon na ipamalas ng NPF ang mga natatangi ngunit mayayamang koleksyong artifacts o iba’t ibang kagamitan ng ating mga kababayang katutubo. Ito ay mahigit sa 3,000 piraso ng mga pamana mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa nakalipas na limang dekada.

Ang ilan sa artifacts sa loob ng exhibit sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila bilang bahagi ng ika-50 Anibersaryo ng Nayong Pilipino Foundation. (Bilibb)

Ang “(K)loob(an)” ay hango sa tatlong mga salitang. Ang Loob na salitang-ugat nito, ay nagsasalita tungkol sa loob. Ito ay alinman sa literal na panloob na mga bahagi ng Espanyol na calabozo o ang makasagisag na panloob na dimensyon ng pagkakakilanlan ng isang tao. Samantalang ang labas ay malamig, madilim, at monolitik, ang loob ay mainit, makulay, at umaagos. Looban ang interior; bahagi ng kapuluan kung saan nahirapang makapasok ang mga Kanluraning kolonisador. Ang kasaysayan ay saksi kung paano lumaban nang husto ang mga komunidad mula sa kaloob-looban upang mapanatili ang kanilang lipunan at kultura. Mula sa interior na ito, ipinagmamalaki ang etnograpikong koleksyon ng NPF. Sa huli, ang ibig sabihin ng Kaloob ay pagbibigay, dahil ang materyal na kulturang ito ay regalo sa ating henerasyon.

Ang ilan sa artifacts sa loob ng exhibit sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila bilang bahagi ng ika-50 Anibersaryo ng Nayong Pilipino Foundation. (Bilibb)

“Today, our heritage faces a new kind of threat, this time not with guns, cannons or bolos but with unprecedented modernity and a generation born into the internet era, a time that is characterized by massive digital societal change,” ani NPF Executive Director Gertie Duran-Batocabe. “Now, I leave you with a challenge, to turn our valued museums, libraries, and archives into an exciting destination of the 21st century.”

Ang loob ng exhibit na “(K)loob(an)” sa IVC Teatro sa Fort Santiago, Intramuros sa Maynila bilang bahagi ng ika-50 Anibersaryo ng Nayong Pilipino Foundation. (Bilibb)

“It shall be a place where scholars, writers, teachers, artists, students, and all people from all walks of life will be able to converge for their continued search for knowledge; to provide their users with the power to search across their institutional boundaries, and across categories of information resources,” dagdag pa ni Duran-Batocabe.

Sa ika-50 anibersaryo ng Nayong Pilipino, pormal na binuksan ang kanilang exhibit sa Fort Santiago sa Intramuros, Maynila. Ito ay pinangunahan nina (mula kaliwa) Destileria LimTauco & Co, Inc. Vice President Aaron James Limpe-Aw, Duty Free Philippines Corporation Chief Operating Officer Vice President Vicente Angala, NPF Executive Director Gertie Duran-Batocabe, National Museum of the Philippines Director General Jeremy Barns, at NPF Chairman of the Board Edgar Frederick Generoso. (Bilibb)

Ang okasyon ay dinaluhan nina Director Cecille Lorenzana-Romero ng National Parks Development Committee, at Deputy Executive Director Jezreel Apelar ng National Parks Development. Gayundin, narito rin ang suporta nina Eliza Romualdez-Valtos ng Manila Bulletin, NPF Trustee Barbie Atienza, at NPF Trustee Edson Sy at marami pang iba.

May partisipasyon din ang Republica Filipina Reenactment Group, Kalinangan Dance Group at Kalinangan Singers ng Technological University of the Philippines.

Kalinangan Dance Group ng Technological University of the Philippines. (Bilibb)
Kalinangan Singers ng Technological University of the Philippines. (Bilibb)

 

 

Bukas ang exhibit sa publiko sa Fort Santiago hanggang Nobyembre 18.

Noong 1972, sa bisa ng Presidential Decree no. 37 ay nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na maitatag ang NPF.

Inatasan ang NPF na magtaguyod, manghikayat yakapin, at magsimula ng mga programa at pananaliksik, kabilang ang pagpapa-unlad ng agham panlipunan, humanidades at mga pang-ugnay nitong larangan.