3 Pinay moms wagi sa Mrs. Universe 2022

Ang tatlong Pinay na nagwagi sa Mrs. Universe 2022 na sina (mula sa kaliwa) Monique Cantalejo-Rivera bilang Mrs. Global Universe, Doc Ellen Saints bilang Elite Mrs. Universe at Christine Escalante bilang Ms. Universe Global. (Kuha mula sa Entertainment News Portal Facebook page)

Tatlong katangi-tanging Pinay moms ang nagbigay ng karangalan sa bansa sa katatapos lamang na Mrs. Universe 2022 Official pageant na ginanap noong December 4, sa Rosehill Garden sa Sydney, Australia.

Ang isa sa mga nagwagi ay si Doc Ellen Saints bilang Elite Mrs. Universe na nanalo rin ng special awards na Best in Advocacy, Best in Talent at Best in National Costume.

Wagi rin si Christine Escalante bilang Ms. Universe Global at hinirang ding Ms. Universe Public Choice, Pageantry’s Most Popular Mom at Mrs. Universe Official Ambassador.

Si Monique Cantalejo-Rivera (dulong kaliwa) bilang Mrs. Global Universe 2022, na katumbas ang 1st r-up rank, kasama ang iba pang nagwagi sa Mrs. Universe 2022 Official Pageant na ginanap noong December 4, sa Sydney, Australia. (Kuha mula sa Facebook page ni Monique Cantalejo-Rivera)

Panalo rin si Monique Cantalejo-Rivera na kinatawan ng Asia Pacific bilang Mrs. Universe Global. Tumanggap din siya ng special awards tulad ng Mrs. Universe Ambassador at Best in Tourism Video (na conceptualized and edited ni Mr. Josh Rodriguez).

Sa mahabang appreciation post sa social media, pinasalamatan ni Monique ang mga importanteng tao sa likod ng kanyang tagumpay, ang kanyang asawang si Johven Rivera at dalawang anak, pageant trainers at mentor team na sina Josh Rodriguez; ang inyong lingkod, Francis D. Calubaquib; Jojo Mangalino Jr.; Jeson Bolatin; at beauty queen na si Kristie Rose Cequena.

Ang Traje De Mestiza o Maria Clara inspired National Costume na gawa at disenyo ni Edz Kutur ng Bulacan. (Kuha mula sa Facebook page ni Monique Cantalejo-Rivera)

Naging hair and make-up artist rin ni Monique sina Drew Galleguez, Gym Coach, Six Pack, Nicoh Jovelyn Rivera, at Johan Rivera, kapwa delegadong sina Christine Escalante at Doc Ellen Saints, Miss Mary Rose Salubre, Giselle Ramos, Annie Lagasca Dimaculangan Manimtim, Aries Concepcion, Maan Aris at iba pang tumulong sa kanyang pageant journey.

Si Monique at iba pang Mrs. Universe queens ay magiging abala sa pagpo-promote ng pageant at advocacy nito para sa charitable beneficiaries.

Ang Mrs. Universe t ay pinamumunuan ng isa ring matagumpay na Pilipinang based sa Sydney, Australia na si Miss Mary Rose Salubre.

Si Monique Cantalejo-Rivera suot bilang Mrs. Global Universe 2022-23. (Kuha mula sa Facebook page ni Monique Cantalejo-Rivera)