Bilang kaayusan at seguridad ng publiko para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, magsisimula na ang gun ban sa National Capital Region (NCR) sa Sabado, Hulyo 20.
Bunsod nito, nagdeklara na ang Philippine National Police na simula alas-12:01 ng madaling-araw ng Sabado, Hulyo 20 hanggang alas-12:01 ng madaling-araw ng Martes, Hulyo 23, babawiin na ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence.
Inanunsyo rin ang no-fly zone sa House of the Representatives sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA.
Nakahanda rin ang PNP sa pagpapadala ng mahigit 22,000 pulis para manatiling kalmado partikular na kung saan nakatakdang magbigay ng kanyang ikatlong SONA si Marcos.


