294 balikbayan boxes pinakukuha ng BOC sa OFWs, pamilya

Nananatiling 294 balikbayan boxes pa ng overseas Filipino workers (OFWs) ang nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC).

Sa anunsyo pa ng ahensya, ang mga kahon ay dumating sa bansa noon pang Pebrero 12 mula sa Kuwait. Nakilala ang mga kahon na may Bill of Lading numbers na ONEYKW1TA1994400, ONEYKW1TA1968500, ONEYKW1TA1998800 at naka-consign sa Mediacom Express Cargo, at Pinoy Network Cargo WLL.

Inabandona ang mga naturang kahon ng forwarder matapos makolekta ang mga bayad sa mga ito mula abroad.

Mahigit 450 sa mga abandonadong mga kahon ang nailabas at na-disperse na ng BOC, kaya naging 10,084 ang kabuuang bilang ng mga kahon ang matagumpay na naipamahagi.

Maaaring makuha ang mga kahon sa bodega ng 2657 Old Panaderos St. sa Sta. Ana sa Maynila.

 

Para makuha ang balikbayan boxes, magdala lamang ng mga sumusunod:

– Pasaporte ng nagpadala (orihinal at photocopy)

– Isang valid government-issued ID (orihinal at photocopy)

– Proof of shipping tulad ng invoice at bill of lading (orihinal at photocopy)

Kung kukunin sa ngalan ng ibang tao o bilang isang kinatawan, ibigay ang mga sumusunod na karagdagang kinakailangan:

– Notarized authorization letter o special power of attorney
2. Valid ID ng representative

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Bureau of Customs sa hotline number (02) 8705-6000 o mag-email sa boc.cares@customs.gov.ph