21AM Collection sa Arthaland, ihahandog ng CCP

Pepe Ngayawan_20.5 x 3.5 cm_Lime container rattan, bamboo, wood, Ifugao, Banaue

Buong pagpupugay na ipakikita ng Cultural Center of the Philippines sa pamamagitan ng kanilang Visual Arts and Museum Division ang piling artworks mula sa CCP 21AM collection para sa exhibition sa Arthaland Century Pacific Tower mula Oktubre 13 hanggang Nobyembre 13, 2022.

Tinawag na Details & Abstractions: Selections from the Cultural Center of the Philippines 21AM Collection, ang exhibition na ito ay isa sa visual arts activities ng CCP na layong gawing bukas ang koleksyon para sa thematic exhibitions na makikita sa partner venues.

Luyong_17 x 2.5 cm_Lime container bamboo, wood_Gaddang, Mountain province

Magbubukas ang exhibition sa isang opening reception live at streamed ito sa Facebook pages ng CCP, CCP VAMD, at Arthaland sa Oktubre 13 sa ganap na ala-6:00 ng gabi.

Sa pagsasara ng Main Building ng CCP para sa dalawang taong pagkukumpuni nito na magsisimula sa 2023, ang off-site exhibitions ay mga nakaayos upang maipagpatuloy ang pagpapakita ng CCP 21AM collection sa publiko.

Fikum_16 cm Diameter_Hip ornament Mother-of-Pearl_Bontoc, Northern Luzon

Bilang panimula ng exhibition roadshow, at sa pagdiriwang ng Oktubre bilang Museum and Galleries Month, ang CCP Visual Arts and Museum Division ay nakipagkaisa sa Arthaland para sa isang exhibition sa ground floor lobby ng Arthaland Century Pacific Tower (ACPT) sa 5th Avenue corner 30th St., Bonifacio Global City.

SAMONTE RODOLFO Curvation2 – 15of18 – 1977 Serigraph YE8S9814

Napili ang Arthaland bilang venue upang pangunahan ang nasabing off-site exhibition dahil ito ang unang gusali sa mundo na nasertipikahan ng International Finance Corporation, isang miyembro ng World Bank Group, bilang zero carbon sa ilalim ng kanilang EDGE program, ang acronym para sa Excellence in Design for Greater Efficiency. Bilang karagdagan sa world-class design nito at napakahusay na kalidad ng konstruksyon, ang sustainable features ng Arthaland ay nagsisilbi para mapagbuti ang mental at pisikal na kalusugan ng kanilang occupants katulad ng kung papaano nailalabas ng sining ang hindi masukat nitong mga benepisyo sa kapakanan ng isang indibidwal gayundin sa buong komunidad.

Patena_14 cm Diameter_Disk pectoral mandaya_Davao
ZOBEL FERNANDO La Ventana 37 of 50 – 1964 Intaglio YE8S9884