1st North Luzon Travel Fair dinagsa sa Clark

Imahe ng pagbangon ng Norte at Turismo

Sa isinagawang ribbon-cutting ceremony para sa pagbubukas ng 1st North Luzon Travel Fair, pinangunahan ito ng tatlong opisyales ng Department of Tourism (DOT) na sina Secretary Christina Garcia Frasco (gitna); Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, DOT-Tourism Regulation Coordination & Resource; at Assistant Secretary Verna Covar-Buensuceso, DOT-Tourism Development Planning. Ito ay isinagawa Nobyembre 18, 2022 sa SMX Convention Clark, Pampanga. Magtatapos ang okasyon hanggang Nobyembre 20, 2022. (Kuha ng Bilibb)

Naging maingay, makulay at masaya ang pagbubukas ng 1st North Luzon Travel Fair, umaga ng Nobyembre 18, 2022 sa SMX Convention Clark, Pampanga.

Sa loob ng nasabing center ay iba’t ibang aktibidad ang nakasentro lahat sa ikalalago ng turismo ng bansa. Dito ay makikita ang pagtutulungan sa pamamagitan ng samu’t saring display kung saan ang mga ahensya ng paglalakbay ay nagsasama-sama upang ibigay ang pinakamahusay na deals para sa mga potensyal na manlalakbay.

Ang aktibidad ay pinakapuso ng turismo. Mahalaga ito sa pagpapatingkad ng ekonomiya at pag-angat ng bansa. Sa pag-angat ay makabubuo ng iba’t ibang trabaho, may oportunidad na umangat ang lokal na ekonomiya at mapreserba ang kultura’t tradisyon, maging ang kalikasan.

Ang aktuwal na paghahabi ng native bag na yari sa buri ng kilalang weaver ng Norte na si Bethy Carolina. Ang bag na ito ay bahagi ng produkto ng Kawayan Nature Eco Friendly Product Trading na exhibitor sa 1st North Luzon Travel Fair. (Kuha ng Bilibb)

Sa okasyon ding ito ay higit ang suporta ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco. Ipinagmalaki niya ang naging achievement ng Pilipinas kamakailan at isa na rito ay nang hirangin tayong World’s Leading Dive Destination.

Gayundin, ibinalita niya na tumaas ang bilang ng mga turista sa bansa sa pagluwag na ng patakaran dahil sa eARRIVAL CARD para sa pagpasok ng mas maraming bisita mula sa iba’t ibang bansa – dayuhan man o balikbayang overseas Filipino workers.

“The Philippines is open. The Philippines is ready to receive tourists and investors from all over the world. And North Luzon is ready to lead the way to light up the Northern Philippines,” panimulang pahayag ni Frasco.

Ang mga kasuotan at aksesorya na likha ng Pidayit by Philip Torres na exhibitor sa 1st North Luzon Travel Fair. (Kuha ng Bilibb)

“A little over three months ago I visited Clark and touched base with our tourism stakeholders, players from various sectors including the aviation, hotels, tourism services, tourism operators, travel agencies and other industry stakeholders. In this listening tour, I listened with bated breath. As our stakeholders enumerated the various challenges that they faced in the past two years. Subsequent to that I spoke to our regional directors from North Luzon to echo the same sentiments. There, they shared their plans to hold a North Luzon Travel Fair. I expressed my unequivocal support. But added the requirement that the North Luzon Travel Fair should not only be limited in its exposure to people in Luzon but to everyone from across the Philippines. That is why all of our regional directors from the entire country are here,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon pa kay Frasco, dahil na rin sa mas maraming bakasyon o long weekends sa susunod na taon ang nakahanda, siguradong mas maraming trabaho rin ang ibubunga nito.

Nagtanghal ng iba’t ibang tugtugin ang PUP Bataan Banda Kawayan bilang bahagi ng 1st North Luzon Travel Fair na isinagawa Nobyembre 18, 2022 sa SMX Convention Clark, Pampanga. (Kuha ng Bilibb)

Nagbigay suporta rin sa okasyon si Chaiman Delfin Lorenzana ng Bases Conversion and Development Authority, DOT-Cordillera Administrative Region Regional Director Jovita Ganongan at marami pang personalidad.

Imahe rin ng katatagan at pag-ahon mula sa mga trahedyang dumaan sa norte ang okasyon na ito. Sa nakalipas na maraming buwan ay humarap sila sa lindol, baha at maging ng pandemyang dala ng COVID-19.

Si DOT Regional III Regional Director Carolina Uy habang isinasaad ang mga magaganap sa 1st North Luzon Travel Fair. (Kuha ng Bilibb)

Ang matagumpay na pagbubukas ng 1st North Luzon Travel Fair ay ikinatuwa at kinilala nang husto ng isa sa mga lider ng North Luzon DOT Regional III na si Regional Director Carolina Uy.

“A true trailblazer, I’d like to say to the brains behind the staging of the very first North Luzon Travel Fair for having able to come up with such a promising project that brings together almost all the DOT regional offices in one significant event aim to promote inclusive recovery by enjoining exhibitors, buyers and sellers from various sectors under the umbrella of tourism from the northern regions and beyond,” ani Uy.

Ayon pa kay Uy, sa unang araw ng pagbubukas ng okasyong ay tinatayang aabot sa 700 mga bisita ang dumalo para tunghayan ang mahigit sa 100 booths. Inaasahan din nilang papalo sa 2,000 katao ang pupunta rito sa bawat araw na magtatapos hanggang Nobyembre 20, 2022.

Ang booth ng Philippine Airline na nakibahagi sa 3-day event ng 1st North Luzon Travel Fair. (Kuha ng Bilibb)
Ang PUP Bataan Banda Kawayan na nakibahagi sa 1st North Luzon Travel Fair. (Kuha ng Bilibb)