12 bagong dula sa Virgin Labfest 19 inanunsyo

Matapos ang matagumpay na pagtatanghal para sa 2023, inanunsyo ng Virgin Labfest ang mga piling one-act na mga dula para sa ika-19 edisyon nito.

Ang bagong 12 dula na isasaentablado sa 2024 ay ang: Sentenaryo ni Herlyn Alegre; Vengeance of the Gods ni Hans Pieter Arao; Si Hesus naa sa US ni Neil Azcuna; Ningas ni Lino Balmes; Ang Munting Liwanag sa Madilim na Sulok ng Isang Serbeserya sa Maynila ni Dustin Celestino; The Foxtrot ni Chesie Galvez-Cariño; The Divine Family ni Dip Mariposque; Love on the Brain ni Rick Patriarca; Sa Babaeng Lahat ni Elise Santos; Pagkapit sa Hangin ni Joshua Lim So; Identité ni Jhudiel Clare Sosa; at Abo-Kaykay Ang Ikalawang Yugto ni Ara Jenika Vinzon.

Ang 12 na ito na hindi pa nasubok, nasuri at nasaentabladong mga dula ay napili mula sa 145 naisumite at natanggap sa unang bahagi ng taon. Ang seleksyong komite ay binubuo nina festival directors Tess Jamias at Marco Viaña, kabilang ang VLF founders Writers Bloc Inc na sina Rody Vera at director-playwright na si Herbie Go.

Ang tatlong dula mula sa ika-18 edisyon ay muling babalikan sa pagtatanghal sa 2024. Ito ay ang Zheg Arban’s Room 209, na idinirehe ni Delphine Buencamino; Ang Awit ng Dalagang Marmol ni Andrew Estacio, sa direksyon ni Nazer Degayo Salcedo; at ang Dominador Gonzales, National Artist ni Dingdong Novenario, sa direksyon ni George de Jesus III.

Maging updated sa by following official social media accounts ng CCP. Magsadya sa website (www.culturalcenter.gov.ph) para sa tickets at katanungan.