
Sa patuloy na pagdiriwang ng Belmont Hotel Manila ng kanilang ika-11 na anibersaryo, tuloy din ang pagbibigay nila ng hospitality sa business at leisure travelers. Sa isang salo-salo kasama ang media, binigyang-halaga ang milestone na ito sa isang espesyal na gabi na nakatuon sa pamana ng kulinaryang Pilipino.
“We are grateful to have our media partners here with us as we mark our 11th year. Over the years, our commitment has remained the same: to provide our guests with thoughtful service, a welcoming stay, and the convenience they need. As we celebrate this milestone, we continue to look for ways to make each visit more meaningful,” ayon kay Rupert Tancioco, Director of Operations ng Belmont Hotel Manila.
Sa kanilang anniversary, opisyal na pinasinayaan ang Pamana: Taal, Reimagined, isang culinary initiative na nilikha upang kilalanin at itaas ang antas ng regional food culture. Para sa edisyong ito, naglakbay ang Belmont Hotel team sa Lipa, Batangas, kung saan nakisalamuha sila sa mga lokal na tradisyon sa pagkain upang dalhin ang authentic Batangueño recipes nang direkta sa kabisera.
“The word Pamana speaks of something passed down and cherished. For us, it is also an invitation to discover the richness of Filipino cuisine through the people, places, and traditions that shape it. Through this initiative, we hope to bring distinctive Filipino dishes and the work of some of the country’s talented chefs to Belmont Hotel Manila, giving our guests the opportunity to discover regional flavors and culinary stories in one place,” ayon naman kay Joshua Reyes, Marketing and Communications Manager ng Belmont Hotel Manila.
Layunin pa ng inisyatiba na pagdugtungin ang mga lumang tradisyon at ang modern dining experiences. Binigyang-diin ng hotel representatives na ang Pamana ay nagsisilbing paanyaya upang tuklasin ang mga kuwento, lugar, at taong humuhubog sa mayaman at masarap na kasaysayan ng pagkain sa bansa.
Nagtapos ang gabi sa isang exclusive menu na inihanda ng featured guest chefs na sina Aaron Valeroso at Grant Zuniga, na pinagsama ang international cooking techniques sa Southern Tagalog classics. Ibang lebel ng sarap ang inihain nila sa media members sa kanilang Adobo sa Dilaw Chicken Confit at Sinigang Risotto with Grilled Maliputo. Ang resulting dishes na ito ay nagbigay-pugay sa mga katutubong sangkap ng Batangas habang ipinakikita kung paano maayos na mai-aangkop at mapauunlad ang classic Filipino recipes sa makabagong hapag-kainan. Kasama rin sa inihain ang Malasugue Ceviche, Seafood Linarang Soup, at Sampaguita Cheesecake.
“So, our dishes are a representation of the both of us. Since I have experience working in Italy, I moved my craft to Italy. That’s why I wanted to create the Sinigang Risotto dishes. And then Aaron, furthering his profession in France, did the Adobo sa Dilaw in confit style,” pagbabahagi ni chef Zuniga.
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)
