10 milyong downloads ng Pokémon Sleep sa buong mundo, mga regalo at iba pa!

Masayang inaanunsyo ng The Pokémon Company na ang Pokémon Sleep, inilabas para sa iOS at Android noong Hulyo, ay nakapag-record ng mahigit sa 10 milyong pagdownload nito. Upang ipagdiwang ang tagumpay na ito, 10 million downloadable commemorative gifts ang ipamimigay mula Agosto 25, Biyernes sa ganap na ika-5:00 ng umaga hanggang Setyembre 22, 2023, Biyernes sa ganap na ika-5:00 ng umaga (UTC).

Mangyaring tandan ang sumusunod na nilalaman:Sleep Point ×1,000, Good Camp Ticket ×1, Poké Biscuit × 5, at Ingredient Ticket S ×3.

Sa Agosto 31, Huwebes, antabayanan ang kabilugan ng buwan. Ang ating pagtulog ay may malalim na koneksyon sa mga yugto ng galaw ng buwan, at nadiskubreng na ang haba ng oras ng tulog natin ay umiiksi kapag ang buwan ay malapit na sa kabilugan. Markahan ang espesyal na okasyon na ito dahil sa in-game event, Good Sleep Day, ay paparating na rin!

Ang okasyon na ito ay ginaganap isang beses kada buwan para sa kabuuang tatlong araw: bago, habang, at matapos ang kabilugan ng buwan. Ang Good Sleep Day event ay gaganapin sa Agosto 30, Miyerkoles hanggang Setyembre 1, Biyernes.

Ang Drowsy Power ay dadami nang 1.5 habang nasa event, maliban sa araw ng kabilugan mismo ng buwan (Agosto 31), kapag ang Drowsy Power ay dumami nang dalawang beses.

Ang event period at ang time schedule

Unang araw: Agosto 30, Miyerkoles, sa ganap na ika-4:00 ng umaga hanggang Agosto 31, Huwebes, sa ganap na ika-3:59 ng umaga

Ikalawang araw: (kabilugan ng buwan) Agosto 31, Huwebes, sa ganap na ika-4:00 ng umaga hanggang Setyembre 1, Biyernes, sa ganap na ika-3:59 ng umaga

Ikatlong araw: Setyembre 1, Biyernes, ika-4:00 ng umaga hanggang Setyembre 2, Sabado, sa ganap na ika-3:59 ng umaga.

Bawat araw ng Good Sleep Day event ay umiikot sa ganap na ika-4:00 ng umaga.

Mangyayari rin sa Good Sleep Day ang pagbebenta ng value bundle. Ang Good Sleep Day Bundle Vol. 1 ay mabibili mula ika-4:00 ng umaga sa Agosto 29, Martes hanggang ika-4:00 ng umaga ng Setyembre 3, Linggo (UTC).

Ang nilalaman nito ay ang Growth Incense ×2, Luck Incense ×2, Focus Incense ×2, at Great Biscuit ×9.

Maaaring subukan ang insenso na may iba’t ibang epekto habang nasa event na ito sa pagkakataong tumataas ang Drowsy Power.

Para sa iba pang updates at impormasyon sa produkto, mangyaring tingnan ang official webpages nito sa https://www.pokemonsleep.net at https://www.pokemongoplusplus.com/

Impormasyon ng Produkto

Pamagat: Pokémon Sleep

Petsa ng paglabas: Itinakda para sa paglabas sa panahon ng tag-init ng 2023

MSRP: Ang pangunahin ng gameplay ay libreng malalaro (ang ibang in-app ay mabibili)

Makukuha sa: Pag-download lamang

Nagbebenta: The Pokémon Company

Pagbuo: SELECT BUTTON, Inc.

Suportadong OS: iOS/Android

Uri: Sleep game

Bilang ng manlalaro: 1

Suportadong mga lengguwahe: Japanese, English, Spanish, French, German, Italian, Korean, at Traditional Chinese

Tandaan: Ang Spanish na ginamit sa larong ito ay European Spanish.